Bulung- Bulungan
Lyrics
Huwag kang manalig sa bulong-bulungan
Na ikaw giliw ay pinagtaksilan
Pagkat maraming naiinggit lamang
Sa ating labis na pagmamahalan
Kung ninanais mong mapatunayan
Na ang pag-ibig ko'y laging dalisay
Dibdib ko giliw buksan mo nang tuluyan
Sa puso ko'y malasin ang pagsintang tunay
Hindi mo lamang
Batid ang tunay kong damdamin
Irog ikaw lamang ang iibigin
Kahit libong dusa ay hahamakin
Kung ikaw ang magdudulot
Ay ligaya sa akin
Kung ninanais mong mapatunayan
Na ang pag-ibig ko'y laging dalisay
Dibdib ko giliw buksan mo nang tuluyan
Sa puso ko'y malasin ang pagsintang tunay
Hindi mo lamang
Batid ang tunay kong damdamin
Giliw ikaw lamang ang iibigin
Kahit libong dusa ay hahamakin
Kung ikaw ang magdudulot
Ay ligaya sa akin
Writer(s): D. Guzman
Copyright(s): Lyrics © Royalty Network
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Bulung- Bulungan
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Bulung- Bulungan".