Pag-Ibig Sa Tabing Dagat
Lyrics
Isang dapit-hapon sa tabing-dagat
Sa'king paglalakad
'Di ko maiwasang mapansin ang mga bagay-bagay
Ang hangin na masuyod na dumadampi
Sa'king mga pisngi hmm at bumubulong
Ang araw na sumisilip sa mga ulap na animo'y matang
Nag-aabang kung sino ang aking hinihintay
Nasan na sya para bang nagtatanong
Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling
Nasan na sya naalala mo pa ba noon
Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat
Ang mga alon na para bang nagtatawag ng pansin
Sa'king mga binti'y hmm naglalambing
Mga buhanging nagtataka sa aking mga bakas ng paa
Na dati-rati ooh ay may katabi
Nasan na sya para bang nagtatanong
Ang mga bagay na dati nating kasama at kapiling
Nasan na sya naalala mo pa ba noon
Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat
Kung paano nabuo ang pag-ibig sa tabing-dagat
Copyright(s): Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Pag-Ibig Sa Tabing Dagat
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Pag-Ibig Sa Tabing Dagat".