Kundiman Ng Langit
Lyrics
May isang kundimang naiiba
Daloy ay kay haba, waring hindi magwawakas
Nilikha buhat sa langit, ng Amang tapat umibig
Awitin, kundiman ng langit
Himig ay sinulat ng Kanyang dugo
Titik ay hinugot sa pusong 'di magtatampo
Ang hatid ay kaligtasan, at ang ating Kalayaan
Dinggin, kundimang ito
Kay hiwaga ng pag-ibig na dulot Mo
Kasalanan ko'y nilimot nang totoo
Sa kabila ng ginawa ko; ako'y mahal na mahal Mo
May hihigit pa ba sa pag-ibig Mo
Nilikha buhat sa langit, ng Amang tapat umibig
Dinggin, kundiman ng langit
Sana'y tugunan ang haranang ito
Na binuhay ng kamatayang pinangtubos
Sugat ay paghihilumin
Dungis nati'y lilinisin
Damhin, pagsuyong ito
Kay hiwaga ng pag-ibig na dulot Mo
Kasalanan ko'y nilimot nang totoo
Sa kabila ng ginawa ko; ako'y mahal na mahal Mo
May hihigit pa ba sa pag-ibig Mo
May hihigit pa ba sa kundimang ito
Writer(s): Augusto Espino
Copyright(s): Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Kundiman Ng Langit
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Kundiman Ng Langit".