Rap at Musika
Rap at Musika

Jude the Zaint, JRCKZ, Yansumi, Gabo - Rap at Musika Lyrics

4
Rap at Musika Music Video

Rap at Musika Lyrics

Rap at musika
Ikaw ang tunay na nagbibigay ng kulay sa buhay ko
Rap at musika
Ang nagsilbing dugo, damhin mo ang tono at ang liriko nito

Naalala ko nung una, dami nilang puna
Maluwang na damit, sapatos ko ay puma
Kwaderno'y na puno na, naubos ang tinta
Laman na nang kalye, walang oras na kay sinta

Ako ay alipin, alagad nang sining
Wala kong magawa, kaya sinubokan na sisirin
Na balang araw aking aanihin

Ayan ang musika at rap na ako'y napamahal
Tinuring kong asawa kulang nalang ay kasal
Kahit gano masakal ako'y patuloy sasandal
Kahit walang makuha na papuri, ako'y magtatanghal

Tunay na sundalo, pati pato tinaya ko
Bawat salang praktisado, kahit mag-isa lang ginawa ko
Bakit, ano kamo? Walang mapapala 'to?
Dadating din tamang araw, basta wag kang mamalato

Rap at musika
Ikaw ang tunay na nagbibigay ng kulay sa buhay ko
Rap at musika
Ang nagsilbing dugo, damhin mo ang tono at ang liriko nito

Namulat sa Ghetto Doggs, Andrew E at Francis M
Bone Thugs-N-Harmony, Dr. Dre at Eminem
Dito nagsimulang pabagain ang apoy
Ito ang rap at musika hanggang ngayon pinagpatuloy

Para sa pera o pagsikat ang pagsulat
Ginamit upang aming maimulat ang mata at pandinig upang mapakinggan
Ang makata kung tawagin, pinagtatawanan

Baduy at jologs daw kasi sabi yan ng karamihan
Pero di ko binitawan pinilit na ipaglaban
Dahil siyang umampon sa talento kong ligaw
Nagbigay inspirasyon upang di ako bumitaw

Dala ko ang pagtanggap kahit san pa pumunta
Hanggang sa hukay ay dala ko ang rap at musika
Patuloy na kakanta kahit maraming banta
At gagamitin ko hanggang huling patak ng tinta

Rap at musika
Ikaw ang tunay na nagbibigay ng kulay sa buhay ko
Rap at musika
Ang nagsilbing dugo, damhin mo ang tono at ang liriko nito

Sa dami ng mga pinagdaanan ko
Kahit tahimik lang ito pero ako ay klasiko
Kahit singko na duling ay wala akong kinita
Hindi sapat na dahilan upang prumeno sa mga kanta,
Sa musika na aking minahal
Kahit minsan ay pagod at ako'y hinihingal
Pag gusto'y mayparaa, lumiliwanag ang daan
Sa pag usbong ng mga lirikong may puso at laman

Sabihan man nilang laos wala akong dating
Tuloy-tuloy parin kahit ako ay mabahing
Hinding-hindi ako titigil kahit manlamig
Walang pakialam sa mga negatibong narinig

Sa bawat awit dapat puso ang nangingibabaw
Sa entablado tatayo kahit na nilalangaw
Balang araw titingalain ang kinatampukan
Dating tinatapaktapakan balang araw papalak-pakan

Rap at musika
Ikaw ang tunay na nagbibigay ng kulay sa buhay ko
Rap at musika
Ang nagsilbing dugo, damhin mo ang tono at ang liriko nito

Writer(s): Amor Jude Thadeus Soriano
Copyright(s): Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Attach an image to this thought

Drag image here or click to upload image

The Meaning of Rap at Musika

Be the first!

Post your thoughts on the meaning of "Rap at Musika".

Latest Blog Posts
Lyrics Discussions
by MxPx, Rivals

1

7
Hot Songs
by SZA

1

1K
Recent Blog Posts