Lando
Lando

Gloc-9 ft. Chito Miranda - Lando Lyrics

3
Lando Music Video

Lando Lyrics

Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan wag ka nang matakot sa dilim

Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig

Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan wag ka nang matakot sa dilim

Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawa't isa'y nakalaan at ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa

Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan wag ka nang matakot sa dilim

Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili pangala'y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit at ang sabi

Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan wag ka nang matakot sa dilim

Writer(s): ARISTOTLE POLLISCO
Copyright(s): Lyrics © Peermusic Publishing
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Attach an image to this thought

Drag image here or click to upload image

The Meaning of Lando

Be the first!

Post your thoughts on the meaning of "Lando ".

Lyrics Discussions

1

800

1

7

1

134
Hot Songs

1

2K
Recent Blog Posts