Magpahinga
Lyrics
Kulang pa yata ang bente kwatrong oras sa'kin
Sa mga problema kong mas marami pa sa mga bituin
Ayoko namang magpatalo pero ba't parang ubos na ubos na ako ang sabi mo
Dito ka lang sa'kin magpahinga muna lalabanan din mga dambuhalang
'Di maubos na problema malapit na pero 'di rin kasalanang magpahinga
Kulang pa yata ang sandaang taon ba't nakakulong pa rin
'Di ko na ba maaabutan lahat ng mga gusto kong gawin
Ayoko namang magpatalo pero siguro pagod na pagod lang ako ang sabi mo
Dito ka lang sa'kin magpahinga muna lalabanan din mga dambuhalang
'Di maubos na problema malapit na pero 'di rin kasalanang magpahinga
Magpahinga ka lang muna 'wag nang pigilan ang luha
Dito ka lang sa'kin magpahinga muna lalabanan din mga dambuhalang
Mga pasanin lapag mo lang muna kakayanin din kumapit ka sinta
Matatapos ang problema malapit na pero 'di rin kasalanang magpahinga
Writer(s): MIGUEL BENJAMIN G GUICO, PAULO BENJAMIN G GUICO
Copyright(s): Lyrics © Sony/ATV Music Publishing LLC
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Magpahinga
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Magpahinga".