Walang Katapusan
Lyrics
Sinisisi ko kay Kupido
Kung bakit ka nakatatak sa isipan ko
'Di naman ginusto na mahulog sa'yo
Ngunit 'di napipigilan ngumiti nang husto
Kapag nasisilayan ka
Gustong itigil ang lahat
At maglakad sa'yong tapat
Tititigan ang mga mata, walang pakialam kahit na
Matunaw, hindi makagalaw
Lalabas na ang puso, gusto nang sumigaw
O ikaw at ako balang araw
At walang katapusang isasayaw
Walang ginawa kundi ibukang bibig sa kalangitan
Ang iyong pangalan
Nagtataka kung ikaw ba'y nakatingin sa buwan
At mga ngiti'y hindi mapakawalan
Kapag naiisip kita
Gustong itigil ang lahat
At maglakad sa'yong tapat
Tititigan ang mga mata, walang pakialam kahit na
Matunaw, hindi makagalaw
Lalabas na ang puso gusto nang sumigaw
O ikaw at ako balang araw
At walang katapusang isasayaw
Ako at ikaw
Balang araw
At walang katapusang isasayaw
Writer(s): Yanna Matabang
Copyright(s): Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Walang Katapusan
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Walang Katapusan".