Sunod Na Dapit Hapon
Lyrics
Nahuhulog
Palalim nang palalim
Ang pagtingin sa'yong mga mata
Na 'di alam ang sariling halaga
Hindi malaman-laman
Ang dahilan
Kung bakit tumititig sa kawalan
Paulit-ulit nagtatanong kung nasaan
Mag-isang nakatayo
'San ba ulit magtatagpo
Hinahanap-hanap ang init ng kamay
Na dati pa humiwalay
Hanggang tingin na lang sa bitwin
Naging maulap ang paningin
Pa'no na kita hahanapin
Sa susunod na lang kita aabutin
Unti-unting sumisikip
Ang daanang patungo sa'yo
'Di namalayan
Na mas mahal kita kaysa sarili ko
Pagmamahala'y dapit hapon
'Di ba naaalala ang ating kahapon
Basta-basta na lang itinapon
Mag-isang nakatayo
'San ba ulit magtatagpo
Hinahanap-hanap ang init ng kamay
Na dati pa humiwalay
Hanggang tingin na lang sa bitwin
Naging maulap ang paningin
Pa'no na kita hahanapin
Sa susunod na lang kita aabutin
Writer(s): Yanna Matabang
Copyright(s): Lyrics © O/B/O DistroKid
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Sunod Na Dapit Hapon
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Sunod Na Dapit Hapon".