Pabango Ng 'Yong Mata
Lyrics
Wag ka nang manangis irog
Sayang lang mga luha mo
May paggagamitan ka nyan
Ako’y malapit nang mamatay
At saka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng ‘yong mga mata
Luha kusa na lang dumadaloy
Sa mga pagkakataon
Nagpapaalalang tayo’y tao lamang
Pagsisisi lagi na lang sa huli
Sa mga pagkakataong
Nakakalimot pagkat tayo’y tao lamang
‘Wag ka nang manangis irog
Sayang lang mga luha mo
May paggagamitan ka nyan
Ako’y malapit nang mamatay
At saka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng ‘yong mga mata
Pilitin mang tumindig
Upang ika’y mahagkan man lang ng mahigpit
Kusang napapahandusay sa aking malupit na papag
Nabibilang ko ang sikat ng araw
Parang kay bilis na ng ikot ng mundo
Marahil ito na ang huling awit at hapdi
Na ipadarama ko sayo
‘Wag ka nang manangis irog
Sayang lamang ang luha mo
May paggagamitan ka nyan
Ako’y malapit nang mamatay
At saka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng ‘yong mga mata
At saka mo na diligin ang libingan ko
Ng pabango ng ‘yong mga mata
Copyright(s): Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Pabango Ng 'Yong Mata
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Pabango Ng 'Yong Mata".