Oras
Oras

Kwago Gang, Zend Luke - Oras Lyrics

Nov 10, 2021
3
Oras Music Video

Oras Lyrics

Di na importante ang mga diyamante at ginto
Kaylangan kong habulin ang oras sa pagtakbo
Di dapat palagpasin kasi hindi to hihinto
Maiiwan ka lang lagi kung laging nakaupo
Lagi mo lang antabayanan ang tunog ng yung pulso
Minsan di namamalayan ang lakas ng pagbugso
Ng dibdib mga baliko ay aking tinuwid
Diniretdso ang lahat ng tagilid para lang makatawid
Hindi ko tinipid kahit konti ang bilib sa mga nakikinig
Di na kaylangan pagpilitan kahit ako ay naka pikit
Alerto parin ako sa bawat pitik lumalagitik
Kahit na paatrasin di na maibabalik pa ulit sa halip
Sa aking pagpanik sa kasalukuyan ako ay nasasabik
Sa lalamunan ay natanggal na ang tiik

Pwede bang wag na natin sayangin ang oras
Bawat sigundo'y mahalaga
Di na maibabalik pag lumipas
Kaya wag hayaan na maksaya
Bawat sigundo bawat minuto
Bawat oras wag ka magalala
Bawat sigundo bawat minuto
Bawat oras sulit pag kasama ka

Walang dami ng salapi'ng kayang bilhin ang isang sandali,
Wag kang mag malaki walang espesyal sa kaniyang paningin
Takbo ay mabilis walang pasensiyang ika'y antayin
Sa pagmamalabis oras ang siyang laging naniningil
Wag ng buhayin ang lumipas
Ala-alang bumabagtass nalang sa iyong isipan
Kinabukasan ay ilisyong walang katiyakan
Na tumatakbo sa iyong isipan sa kasalukuyan
Reyalidad ng buhay mo'y laging ngayon
Wag palilinlang sa pag laon ng panahon
Mga pangamba't takot na iyong natatamo'y
Likha ng sobrang pag isip sa bukas mong di pa tukoy uh
Ang buhay daw ay parang isang laro
Na kung saan ay di mo nakikita ang relo
Pili mo mang hanapin ay hindi makatagpo
Ang hronometrahisto'y nakatago lang sa bungo yeah
Kaya walang dahilan para mangamba
Wala ring dahilan para ika'y mataranta
Ang oras ay patuloy lang namang maglalakbay kasama mo
Habang buhay hangga't ika'y humihinga
Sa kabilang banda oras ay di mahalaga
Ang importante ay mamuhay ka ng masaya
Sa dulo ay lahat naman tayo ay iisa
Tayong lahat mismo ang buhay na hindi mawawala

Pwede bang wag na natin sayangin ang oras
Bawat sigundo'y mahalaga
Di na maibabalik pag lumipas
Kaya wag hayaan na maksaya
Bawat sigundo bawat minuto
Bawat oras wag ka magalala
Bawat sigundo bawat minuto
Bawat oras sulit pag kasama ka

Mga pangarap ko kahapon maiikot na bukas
Namimingwit ng pagkakataon sa ilog ng oras
Kuhain ang buod ng sonatang napaikli
Sa wari ko'y sabog ang umagang nakangiti
Imahinasyong pinalikot, sa mura na edad
Layag habang naka angkla sa reyalidad
Sa byahe'y padayon kahit pa mayroong aberya
Relo ko'y tumatakbo kahit patay yung baterya
Bumabagal ang gabi, ang araw nagmamadali
Dapat pagbayaran bawat nakaw na sandali
Kalma lang kapatid, sa pagdiin dahan dahan
At 'wag mong madaliin ang pagdating mo sa hangganan
Ilog ng oras, lumalangoy hanggang ngayon
Lalim pinangsisisid sa daloy ng panahon
Ang buhay mapait, 'wag aalis mamaya na
Sa dulo may panghimagas, matatamis na alaala
Kudos walang tila 'to ahoy
Mauubos din ang kandila, malakas man o mahina yung apoy
Walang dapat sayangin dito sa sanlibotan
Ninakaw ko ang bayabas nong natutulog si Juan
Storya mo'y libro na wari inabandona
Sa silid aklatan ng mga kwentong 'di na mabura
Walang pagsisisihan, liham tila naburda
Lahat ng dapat kong gawin sa buhay ginawa ko na

Pwede bang wag na natin sayangin ang oras
Bawat sigundo'y mahalaga
Di na maibabalik pag lumipas
Kaya wag hayaan na maksaya
Bawat sigundo bawat minuto
Bawat oras wag ka magalala
Bawat sigundo bawat minuto
Bawat oras sulit pag kasama ka

Writer(s): Patrick Williams, Robert Jay Buscay, Zend Luke Abrea
Copyright(s): Lyrics © DistroKid
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Attach an image to this thought

Drag image here or click to upload image

The Meaning of Oras

Be the first!

Post your thoughts on the meaning of "Oras".

Latest Blog Posts
Lyrics Discussions
by Peso Pluma, Gabito Ballesteros, Junior H

1

148

1

1K
Hot Songs

1

406
Recent Blog Posts