Kalapati
Lyrics
Huwag ka nang lumingon
Deretso lang ang lipad
Hanapin ang sarili
Kalimutan mo na
Ang mga nasabi ko
Di kailangan ang magsisi
Habulin mo na
Ang mga nakalimutang pangarap
Kung san ka sasaya
Ako na rin ay liligaya, kahit maulap
Ito man ay masakit at mahapdi
Panalo ang damdaming di sawi
At di nagtatampo
(Chorus)
Palayain ang pusong
Di mapakali at mapalagay
Hayaan matutong
Mangilatis ng pagibig na tunay
Kahit san ka man makarating o maligaw
Pakingan mo na lang ang pusong humihiyaw
At akoy matatanaw
Bukas na ang pinto
Isara paglabas
Itago lang ang susi
Pigilin ang luha
Hanapin ang saya
Para isipay manahimik
Akoy umaasa
Na meron pang iba
Na magbibigay saya
Pangako ko ngayon
At sa haba ng panahon
Mahal pa rin kita
At kung sakali man ikaw ay babalik
Sasalubungin ka ng yakap na kay higpit
At di nagtatampo
(Chorus)
Palayain ang pusong di mapakali at mapalagay
Hayaan matutong mangilatis ng pagibig na tunay
Kahit san ka man makarating o maligaw
Pakingan mo na lang ang pusong humihiyaw
At akoy matatanaw
Kung palayo ngayon ang simoy ng hangin
Kahit sa dulo ng mundo makarating
Kusang babalik rin
Writer(s): ERIK VARGAS
Copyright(s): Lyrics © TUNECORE INC, Songtrust Ave
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Kalapati
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Kalapati".