Muli
Lyrics
Nakakunot na naman ang noo
Nagsisigawan na naman tayo
Mga damdamin ay nasasaktan
Pwede na ba natin 'tong tigilan
Sana bukas magkita na tayong muli
Hindi na sasayangin ang bawat sandali
Magyayakapan tapos na ang iyakan
Magiging maayos nang muli ang lahat
Di na naman ako pinapansin
Tinataboy sa tuwing naglalambing
Hindi na alam kung sino ang tama o mali
Bigla mo na lamang akong pinapauwi
Sana bukas magkita na tayong muli
Hindi na sasayangin ang bawat sandali
Magyayakapan tapos na ang iyakan
Magiging maayos nang muli ang lahat
Wag na tayong magpanggap
Alam kong pareho natin 'tong di matatanggap
Halika na dito sa aking tabi
At sabihin na di kabibitaw hanggang sa huling sandali
Sana bukas magkita na tayong muli
Hindi na sasayangin ang bawat sandali
Magyayakapan tapos na ang iyakan
Magiging maayos nang muli ang lahat
Writer(s): KEAN EDWARD U CIPRIANO
Copyright(s): Lyrics © Peermusic Publishing
Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
The Meaning of Muli
Be the first!
Post your thoughts on the meaning of "Muli".